Nabagbag ang damdamin ng mga netizen sa Instagram post ng premyadong aktres na si Sylvia Sanchez kung saan makikita ang video ng pagsakay ng anak na si Arjo Atayde sa isang amusement ride, kasama ang fiancee nitong si Eat Bulaga host Maine Mendoza.

Hugot ng soon-to-be mother in-law ni Maine, bata pa lamang ay sadyang mahilig na si Arjo sa rides. Siya ang inaaya nito noon, pero ngayon, iba na ang sitwasyon.

Mahilig pa rin si Arjo sa rides pero iba na ang kasama nito ngayon.

"Watching this brings back so many memories! 😅 Dati pag gusto mong mag roller coaster, ayaw mong sumakay mag isa, ako lagi ang niyayaya mo. Ganyan ka na bata palang. Wala pa ring pinagbago, sigaw at tawa ka pa rin hahaha."

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

"Ngayon, masaya akong makita na may iba ka nang nakakasama at ligtas na ako sa pagyayaya mo. Ako yan dati, Maine. Ngayon, you’re Arjo’s constant adventure buddy!"

"Thank you, Maine ❤️ My heart is full! Love you both."

Tatlong heart emojis naman ang tugon dito ni Maine.

"Thank you ma!!! 🤗 I love you more ❤️," ani Arjo.

Hindi pa malinaw kung kailan ikakasal sina Arjo at Maine.