Kamakailan lamang ay naging usap-usapan ang pagdalaw ni Optimum Star Claudine Barretto sa puntod ng yumaong reel at real partner na si Rico Yan.

Umani ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens at fans. May mga natuwa dahil hanggang ngayon daw, hindi pa rin nakakalimutan ni Clau si Rico at in fairness naman, consistent ang aktres sa paggunita sa pumanaw na aktor.

View this post on Instagram

A post shared by Claudine Barretto (@claubarretto)

'Patahimikin na raw!' Claudine pinagtaasan ng kilay sa pagdalaw sa puntod ni Rico

Pero may mga pumula rin kay Claudine dahil ano raw ba ang intensyon niya't panaw flex niya kay Rico? Sana raw, patahimikin na ito at huwag nang "gamitin" kung may paparating siyang mga proyekto. Recently ay matunog ang tsikang magbabalik-teleserye na siya sa ABS-CBN, at gaganap daw na nanay ni Rising Superstar Belle Mariano. Isa pa, may upcoming movie siya na "Loyalista" tungkol sa biopic ng tinaguriang Jukebox Queen na si Imelda Papin.

Anyway, nagkomento pala ang kapatid na babae ni Rico na si Tina Marie Yan sa IG post ni Claudine kung saan makikita at mapapanood ang pagdalaw niya sa puntod ng ex.

"Awwww…thank you for visiting him again, Claude! ❤️❤️❤️ See you in September! Love you! 😘 @claubarretto," aniya sa comment section.

"@tinamarieyan i miss u Tinee. l call you tom. Give my luv to the kiddos & to Chad.l be there beside u in September. Can’t wait. I’m so excited 😆," tugon naman ni Claudine.

"Yey! That will mean the world to me that you’ll be with us in September! Soooo excited! Much luv and big hugs to you 😘🤗" tugon naman dito ni Tina.

Screengrab mula sa IG ni Claudine Barretto

Sey ng mga netizen, si Tina raw ay kapatid ni Rico na eversince ay talagang matindi ang suporta sa tambalang Claudine at Rico.