Suportado ni Public health expert Dr. Anthony “Tony” Leachon nitong Linggo, Abril 16, ang posibleng muling pagpapataw ng mandatory face mask sa bansa upang maprotektahan umano ang mga Pilipino laban sa Covid-19.

Sa panayam ng DZRH, iginiit ni Leachon na ang muling pagpapataw ng mandatory facemask, lalo na mataong Metro Manila, ay maaaring makatulong sa pagprotekta sa mga residente nito.

Saad pa niya, ang pang-edukasyon, pananalapi, at pang-ekonomiyang kapital ng Pilipinas ay matatagpuan sa loob ng rehiyon, kaya mahalagang protektahan umano ang mga residente ng lugar laban sa sakit.

“Alam naman natin na kapag kumalat sa NCR, based on our experience [during] the [previous surges], kakalat din yan sa Calabarzon at aakyat din yan sa [Central Luzon]. Ang pag aaral [sa policy na ito] ay welcome sakin dahil nag i-increase talaga [ang cases],” saad ni Leachon.

National

Pinili ng Santo Papa: Rector ng Quiapo Church, bagong obispo ng Diocese of Balanga

Ayon pa sa health expert, bagama’t hindi na kasinlala kumpara sa panahon ng Delta o Omicron surge ang nangyaring pagtaas ng positivity rate ngayon, ito ay nagpapahiwatig na ang virus at mga pagkahawa ay patuloy pa rin.

Matatandaang nilagdaan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Executive Order No. 7 noong Oktubre 28, 2022, na nagpapahintulot sa boluntaryong paggamit ng mga face mask sa panloob at panlabas na mga lugar.