Natakdang iharap ng mga senador ang mga kaanak at testigo sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo at sa walong iba pa, sa ikinasang pagdinig ng Committee on Public Order and Illegal Drugs ngayong Lunes.

Gayunman, hindi pa malinaw kung papayagan ng mga senador na makadalo sa pagdinig si Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo Teves, Jr. sa pamamagitan ng videoconference matapos itong tutulan ng biyuda ni Degamo na si Pamplona Mayor Janice Degamo.

Hindi pa rin bumabalik sa bansa si Teves kahit hanggang Marso 9 lamang ang ibinigay sa kanya na travel authority.

Matatandaang sinuspindi sa pagkakongresista si Teves dahil isa ito sa itinuturong mastermind sa kaso.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Inaasahang ng komite na magkaroon ng pagbubunyag ang inimbitahang 30 resource persons kaugnay sa mga nakaraang pagpatay sa lalawigan.

Matatandaang pinagbabaril ng mga armadong lalaki si Degamo habang inaasikaso ang mga benepisyaryo ng ayuda ng pamahalaan noong Marso 4.

Bukod sa gobernador, walo pa ang napatay sa insidente.

Philippine News Agency