Naintriga ang mga netizen kung sino ang pinatatamaan ng GMA headwriter na si Suzette Doctolero sa kaniyang tweet nitong Linggo ng hapon, Abril 16.

Tungkol ito sa consequences na dulot ng "bad decisions."

"Kapag talaga ang ugat ay bad decisions, sunod-sunod na palpak, o unpleasant results and/or disastrous consequences ang kalalabasan. If our decision is wrong, madalas rin pagsisihan natin sa maraming dahilan."

"People make bad or poor decisions out of greed, blind or misguided ambition and selfishness kaya daming bad repurcussions. But better decisions (based on values, intuition, good heart) leads to better results," anang tweet.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

https://twitter.com/SuziDoctolero/status/1647509011422670848

Sa hindi malamang kadahilanan, inakala ng mga netizen na ang tweets ay para daw kay Kapuso star Barbie Forteza na putok na putok at patok na patok ang career ngayon dahil sa matagumpay na "Maria Clara at Ibarra."

Ang tsika, itong si Barbie raw ay tila tumatanggi sa upcoming projects ng "FiLay" o "BarDa" na nag-boom na tambalan nila ni David Licauco, dahil iniingatan nito ang relasyon nila ni Jak Roberto.

Gigil na gigil daw kasi ang BarDa fans na i-ship ang dalawa, kahit alam naman nilang in a relationship ang aktres.

Bago pa lumala ay sinuweto na ni Suzette ang netizens dahil kung saan-saan na nakarating ang kaniyang cryptic tweet. Nilinaw niyang wala siyang kahit na sinong artistang pinariringgan sa kaniyang post.

"Luh, walang kinalaman sa kahit sinong artista ang bad decisions eme post ko," paglilinaw ni Suzette.

https://twitter.com/SuziDoctolero/status/1647618040987799552

"Wag kasing paniwalaan ang tsismis ng mga tsismoso na minsan o madalas ay kuryente ang mga eme. Ayan, akala nyo tuloy sa artista yun," dagdag pa.

https://twitter.com/SuziDoctolero/status/1647653779838504961

Sa isa pang tweet, sinabi ni Suzette na may naka-abang na proyekto para kina Barbie at David, at isa rito ay siya mismo ang magsusulat.