Isa si Queen of All Media Kris Aquino sa mga nag-iwan ng mensahe sa aktres na si Miles Ocampo matapos nitong lakas-loob na ibinahagi ang kaniyang pinagdaanan patungkol sa kaniyang health issue. 

Sa Instagram post ni Miles noong Biyernes, Abril 14, ibinahagi niya ang kaniyang kondisyon ay tinatawag na "Papillary Thyroid Carcinoma.” Sumailalim siya sa operasyon at tinanggal ang kaniyang thyroid.

Maki-Balita:https://balita.net.ph/2023/04/15/miles-ocampo-ibinahagi-ang-kaniyang-pinagdaanan-sa-kalusugan/

Sa comment section, makikita ang maikling mensahe ni Kris sa kaniya, "We love you Ate."

Eleksyon

Kabataan Party-list, itutulak pagpapatalsik kay VP Sara

Itinuturing ni Kris na anak si Miles dahil malapit ito sa kaniya at sa anak niyang si Bimby.

Samantala, muling nagbigay ng updates si Kris sa pamamagitan ng kaniyang Instagram post nitong Sabado, Abril 15.

Umikot ang post ni Krissy sa kaniyang health condition at pasasalamat na rin sa mga doktor, kaibigan, at kakilalang patuloy na tumutulong at nagdarasal para sa kaniyang agarang paggaling.

Maki-Balita:https://balita.net.ph/2023/04/16/nahiya-na-sa-mga-batangueno-kris-sinaway-na-si-mark-na-magkomento-sa-ig-post/