Ibinahagi ng Kapamilya star na si Francine Diaz ang pagbili niya ng undergarments sa bansang Thailand, na mapapanood sa kaniyang YouTube channel.

Ipinakita ni Francine ang kanilang trip to Bangkok, Thailand kasama ng kaniyang mga kaibigan.

Sa bandang dulo ng vlog, nagtungo sa tiangge sina Francine at bumili ng bra. Dahil sanay sa Pilipinas na puwedeng tumawad, nakuha ni Francine ng 1,100 baht ang mga napamili niya, na dapat ay 1,200 baht.

Inusisa ng nagtitinda kung taga-saan si Francine. Nang sinabi niyang taga-Pilipinas, hindi na raw nagulat ang vendor.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

"Philippine too much come but too much discount," aniya, na nangangahulugang sanay na ang vendor sa mga Pinoy na mahilig tumawad, lalo na sa mga pampublikong pamilihan at tiangge.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"The design is really Pinay!"

"Okay lang naman tumawad kasi yung iba, talagang nagpapatong ng malaki sa orig price."

"Hahahaha nakaka-relate ang mga Pinoy!"

Game na nagpa-picture si Chin sa ilang Pinoy na nakahalubilo niya habang nasa pamilihan.

Samantala, marami namang nakapansing ang ganda-ganda ni Francine kahit sinasabi niyang wala pa siyang ayos sa iba niyang eksena sa vlog.