Kilala ang health professional at content creator na si Dr. Winston Kilimanjaro Tiwaquen o Dr. Kilimanguru sa kanyang health tips online.

Dahil naman sa milyun-milyong followers ay doble-sipag din naman ang ilang manloloko para makisakay sa kasikatan ng online personality.

Gamit pa ang mga edited na larawan, at sponsored na advertisement sa Facebook halimbawa, kapansin-pansin ang talamak at hindi ipinagpaalam na paggamit sa pangalan at larawan ng doktor para sa ilang kahina-hinalang produkto.

Kabilang dito ang mga health supplement umano, mga pagkain hanggang sa ilang health apparatus na sa unang tingin ay aakalain talagang ini-endorso ng sikat na doktor.

Mga Pagdiriwang

ManilART 2024: Alamin ang iba’t ibang sining na tampok dito

Nitong Lunes, Abril 17, may simpleng babala na si Dr. Kilimanguru para paalalahanan ang mga masugid na online follower.

“Ineendorse niyo po ba talaga ito, Doc?” mga karaniwang tanong ng kaniyang followers sa naglipanang mga fake ads online.

Simpleng sagot lang ng doktor: “’Pag walang blue check mark sa tabi ng panagalan ko, automatic na NO ANG ANSWER. Take note ha, yung blue check dapat sa tabi ng pangalan, hindi sa profile pic[ture].”

Ang blue check ay senyales na verified ng isang social media platform ang naturang account o pinalalakad ito ng totoong may-ari ng naturang pagkakakilanlan.

Sa Facebook pa lang, mayroon nang mahigit 4.1 million followers si Dr. Kilimanguru.

Tila patunay lamang ito na kaakibat ng malaking impluwensya ng doktor online ang ilang mapanlamang naman na nakikisabay para gamitin ito sa kanilang mga pansariling interes.

Basahin: Doktor-content creator, kinumpronta ang ‘sabaw’ na dummy account na gumamit ng kanyang larawan – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Si Dr. Kalimanguru ay kilalang aktibong doktor at content creator na nagbibigay-linaw o impormasyong medikal sa ilang karaniwang paksa sa ilang usapang pangkalusugan online.

Basahin: 3 senyales na ‘di ka pa ‘mentally ready’ para magkajowa, ayon sa isang doktor – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Layon ng kaniyang content na maging kaagapay ng mga Pilipino sa health education sa paniniwalang ito ang unang hakbang para maiwasan ang ilang nakamamatay na sakit kagaya ng hypertension at diabetes, bukod sa iba pa.

Kalakip ng makabuluhang impormasyon ang nakakaaliw na twist sa mga content ng doktor.