Panay update si Miss Universe Philippines 2022 Celeste Cortesi sa kaniyang pagbabakasyon sa bansang Thailand kasama ang jowang si Matthew Custodio at ilang mga kaibigan, kasama na ang basketball star player na si Kobe Paras.

Nagpatakam si Celeste sa kaniyang fans sa pamamagitan ng pagbalandra sa iba't ibang Thailand food at cuisine na nilantakan nila roon.

Isa pa siyempre sa mga pinag-usapan ay ang pag-flex ni Celeste sa kaniyang swimsuit at talaga namang kitang-kita ang magandang hubog ng kaniyang pangangatawan.

Isa sa mga litrato niya, makikitang mahigpit ang pagkakayakap sa kaniya ng jowang si Matthew na para bang ayaw siyang pakawalan!

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Kaya naman, napa-sana all na lang ang netizens lalo na ang mga tagahanga ni Celeste.