Matapos isantabi ang law dream noong kabataan, ngayon ay tagumpay nang abogado at kasama sa mga nakapasa sa 2022 bar exams si Lola Nancy Regis sa edad na 65.

Apat na dekada mula ngayon, nagdesisyon si Lola Nancy na huwag na munang mag-abogasya para unahin ang pag-aalaga sa kaniyang tatlong anak na babae. Nabuntis siya sa edad na 23 at simula noon ay kaligayahan ng kaniyang mga anak ang mas inisip niya kaysa sa sariling pangarap.

Hanggang sa 28 years ago, handa na siyang ituloy ang pangarap niyang mag-abogasya nang makatanggap siya ng ibang gantimpala na matagal na nilang pinagdarasal – anak na lalaki. Doon ay ginugol ni Lola Nancy ang kaniyang oras sa pag-aalaga at pagpapa-aral ng kaniyang mga anak hanggang sa naging propesyonal na ang ito.

“Life was hard, life was tough but they all made it through,” pagbabahagi ni Napoleon, lalaking anak ni Lola Nancy, sa kaniyang Facebook post.

Human-Interest

Mahanap kaya? Lalaking hinahanap nawalay na biological parents, usap-usapan

Nang sa itutuloy na sana ni Lola ang matagal nang pangarap na mag-abogasya 8 years ago, bigla naman itong nagkaroon ng kondisyon na muntik na umanong kumitil ng kaniyang buhay.

"Major Operations were done, went through several treatments, therapies, outstanding bills here and there, took medications religiously and prayed day after day," kuwento ni Napoleon.

Matapos ang isang taong pakikipaglaban sa sakit, sa wakas ay gumaling siya. Pagkatapos magpagaling noon ay nagtrabaho si Lola Nancy bilang government employee at nag-aral ng law tuwing weekends hanggang sa opisyal na nakapagtapos at naging Juris Doctor noong 2020.

"We said to her that you have fought the good fight already and it's time to live a stress free, healthy and happy retired life but no, she refused to settle there," ani Napoleon.

"In the previous BAR exam (nov 2022) my mother took the test for the very first time at the age of 65 years old carrying with her all our support, with not an ounce of pressure from us," saad pa niya.

Noong Abril 14, nilabas ng Korte Suprema ang resulta at isa nga si Lola Nancy sa tagumpay na nakapasa sa nasabing bar exams.

"The strength and sacrifices a mother can make are truly admirable and unmeasurable," ani Napoleon.

Saad pa niya, magsilbi nawang testamento ang kuwento ng kaniyang ina upang hindi sukuan ang pangarap sa kabila ng mga pagsubok sa buhay.

"[I]f you are going through something unspeakable, if you are enduring a silent battle, if you think you are not enough because you lack financial support, you have so many priorities, you feel too old, you feel left behind and if you are dreaming and hoping of something that seems so so far away, hang on to that flicker of hope inside you, and let this be a sign, a testament that in time, in God’s precious perfect time, also YOU CAN MAKE IT!" aniya.

Congratulations, Lola Nancy!

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa amingFacebookatTwitter!