Gamit ang kaliwa’t kanang paa, nakapag-juggle ng soccer ball ang 10-anyos na bata mula sa China ng 8,147 na beses sa isang oras, naging dahilan para maging record holder siya para sa “most football (soccer) touches with alternating feet in one hour”.

Sa ulat ng Guinness World Records (GWR), natutong mag-soccer ang bagong recordholder na si Tang Jinfan sa summer vacation noong siya ay grade 2. Doon ay ginabayan siya ng kaniyang coach upang mas gumaling dito, hanggang sa noong Setyembre 2022, nakaya na niyang mag-juggle nang 7,056 beses sa loob ng 50 minutes.

Dahil sa kamangha-manghang ipinamalas ng batang si Tang noong panahong iyon, nakitaan siya ng kaniyang coach ng potensyal na maging record holder. Kaya naman ay mas nag-ensayo pa siya kasama ang kaniyang teammates at sa tulong ng kanilang coach.

"I love the atmosphere in the team. Every day, every member of the team makes a small progress compared to yesterday. Soccer has allowed me to make more good friends. I like to be in a team where we can compete with each other and trust each other,” ,” ani Tang sa GWR.

Human-Interest

Mahanap kaya? Lalaking hinahanap nawalay na biological parents, usap-usapan

"I'm so happy to set the record! I told the principal, Coach Lin, homeroom teacher, subject teachers, friends, and my soccer club. Everyone wants to see my record certificate,” saad pa ng 10-anyos na record holder.

Dahil sa naging training ni Tang na humubog hindi lamang sa kaniyang galing sa soccer kundi sa kaniyang pagkatao, naipon ang kaniyang dedikasyon para sa pangarap niyang makapasok sa isang professional soccer club, maging professional player, at sumali sa national team.

Mayroon din siyang payo sa mga kapwa niya soccer player at nangangarap na maging magaling sa naturang sports:

"Boldly ask others for help, whether it's the coach or teammates. Don't get upset by temporary setbacks. Communicate with others, maintain a positive attitude, and believe in yourself."