Masayang ibinahagi ng social media personality at aktres na si Toni Fowler sa kaniyang vlog na umuwi na sa Pilipinas ang pinaka-espesyal na tao sa buhay niya, ang kaniyang totoong ina.

Ayon pa sa vlogger, matagal na niyang hindi nakasama ang kaniyang totoong nanay at pang-apat na beses pa lamang ito. Naikuwento rin niyang marami umanong tagasuporta niya ang nagtatanong kung nasaan ang totoo niyang magulang.

Aniya, "Sa ilang taon kong nabubuhay sa mundong 'to, bilang na bilang lang talaga sa aming kamay kung ilang beses lang namin nakasama ang nanay namin."

Sobrang naging emosyonal naman ang pagtatagpo nina Toni at ng kaniyang nanay, makikitang sabik na sabik ito sa yakap ng isang ina.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Naikuwento rin ni Toni na tatlong taon pa lamang siya noon na una niyang nakapiling ang mapagmahal at maalaga niyang ina. Dagdag pa niya, 2-3 weeks lamang ito sa Pilipinas at agad na itong babalik sa America para magtrabaho.

Niregaluhan naman sina Toni Fowler at ate niyang si Marie ng mga gamit na galing sa U.S. Dagdag pa ng nanay nila, gusto niyang hindi sila maghirap at maranasan ang mga bagay-bagay.

"Gamitin mo 'yan anak, pinaghirapan ko yan basta gamitin mo lang, sirain mo, papalitan ko naman 'yan," pabirong sabi ng nanay ni Toni.