Sa wakas ay muling ibinahagi ng actress-singer na si Roxanne Barcelo ang update sa kaniyang pagiging ina.

Sa kaniyang YouTube channel, mapapanood ang aktres sa kanilang apartment sa Taiwan, kung saan nakabase ang pamilya ng kaniyang asawang si Jigg. 

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

https://youtu.be/i4-HgaHRoqA

Kuwento ni Roxanne, na nag-38th birthday siya noong Enero 20, at masayang masaya siya sa kanilang tahanan at nagpapasalamat sa kung anong mayroon siya ngayon.

"I get to do everything that I need to do as a SAHM, a stay-at-home mom in full force, and happy ako to do the work for my husband and for my kids because kumpleto yung mga basic needs namin."

Pagkatapos ng apartment tour ay ipinakilala na ni Roxanne ang kaniyang pangalawang anak na si Theodore Antonio.

"For the past few months I've been on maternity leave, and I gave birth a few days before my birthday to this little boy named Theo."

Paliwanag niya, ang kanilang pangalawang anak ay ipinangalan sa dalawang mahahalagang lalaki sa kaniyang buhay, "My dad's name is Antonio, and his father's name is Teodoro."

Dagdag pa niya, "And everything I've dreamt of in terms of having my own family, having a husband who I can love for the rest of my life is finally here, and it's not an easy journey to get to this book of my life. But we're here now and I'm filled with gratitude and love."

Si Roxanne at Jigg ay na-engaged noong 2020 at ikinasal din sa parehong taon.

Samantalang ang kanilang panganay na si Cinco naman ay mag dadalawang taon na sa Hunyo.