Nagbubunyi ngayon ang fans ni Optimum Star Claudine Barretto dahil bukod sa bumabalik na ulit siya sa showbiz sa pamamagitan ng ilang TV appearance at pelikula, tila napansin din nilang bumabalik na ang alindog at hubog ng katawan nito.

Sa latest Instagram post ni Claudine, ibinida niyang muli silang nagkita ng kaibigang sexy actress at dating miyembro ng Viva Hot Babes na si Jaycee Parker. Bukod dito, may ilang kaibigang babae rin siyang kasama sa background at isang batang lalaki.

"Thank you so much @iamjayceeparkeraguas for visiting me today," ani Claudine sa caption.

Claudine Barretto, gaganap na 'young Imelda Papin' sa pelikulang 'Loyalista'

Sey ng mga netizen, tila bumalik na raw sa dati si Claudine at nabawasan ng timbang.

"Kalma, sobrang ganda na. @claubarretto."

"Bumalik na ang alindog ng aking pinaka-idolo ng reyna ng tunay na Queen of Teleserye in all times. Sana magtuloy-tuloy na po ang mga projects mo Mam Clau. Ingat po lagi may God bless our family we love you idol @claubarretto."

"Omg. Sobrang pretty mo Miss Claudine. So positive ng aura. Lalo ka dadapuan ng maraming blessings na sobrang deserved."

"Parang batang Claudine ulit!!!"

"Grabe younger idol Claudine… kaloka ang ganda."

Samantala, totoo kaya ang tsikang magkaka-teleserye na ulit at babalik na sa kaniyang original home network na ABS-CBN si Claudine?

Sa ngayon kasi ang confirmed pa lang ay kasama siya sa pelikulang "Loyalista" kung saan siya ang gumanap na young Imelda Papin.