Galit na galit at hindi na napigilan pa ni Queen Patricia Montercarlo na tumalak sa kaniyang Facebook account, matapos idiniin ni Lars na siya ang dapat sisihin kung bakit nawala sa pokus si Queen Anne Patricia Lorenzo.

Ayon kay Patricia, imbes na magpalamig siya sa bakasyon, mas lalo umanong uminit ang ulo niya dahil sa "squammy" vlog ni Lars.

Aniya, "The design is very "iskwami." Okay, na kong makapal ang boses ko, kesa naman tunog palengke ang bawat bigkas ng salita."

"Wag mo kong "amatin" bakla at wala na kong pinapangalagaang kahit ano! Hindi ako mahilig sa pa image-image! Ang tagal kong naging reyna dai! Alam na alam n'yo 'yan! Yung ini-enjoy mo ngayon, tapos na tapos na ko dyan! Nag i-enjoy ako sa bakasyon, nagulat na lang ako may mga pm’s sa akin ng pang-aamat! Maglabasan tayo ng baho, game! Siguraduhin mo lang na bago yung ilalabas mo. Don’t bore me," hamon pa niya kay Lars.

National

Leni Robredo binisita puntod ng asawa bago tuluyang naghain ng COC sa Naga City

Kumulo naman ang dugo ni Patricia matapos sabihin ni Lars na nabuhay umano siya sa inggit kaya ang dami niyang hinaing sa buhay.

"Ay Lars Pacheco, tanong ko lang sino ba kinainggitan ko? Baka puwede kang mag-name drop? Tutal naman binanggit mong nabuhay ako sa inggit. Ano ba 'yun? Saang banda ba ? Kanino ba?," galit na saad ni Patricia.

Idiin din ni Patricia na "puppet" umano si Lars sa tinatawag nilang "enteng." Ang tinutukoy nila ay ang national director ng nasabing event.

Samantala, wala pang tugon at reaksiyon si Lars tungkol dito.