Pinabulaanan ni Melai Cantiveros ang lumalabas na chikang hiwalay na sila ng kaniyang mister na si Jason Francisco.

Kapansin-pansin nga raw ang absence ni Jason sa lakad ng kaniyang mag-iinang sina Melai, Mela, at Stella.

Kamakailan kasi nagbakasyon sina Melai kasama ang dalawang anak sa Bohol.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa kaniyang Instagram story, mayroon siyang mensahe para sa "Marites."

"Goodmorning mga Kapisanan ng mga Marites sa Pilipinas."

"Otw to @_magandangbuhay live na live," aniya. "Hehehehe asawa po ako hindi po ako pulis hanapan ng nawawalang tao hihihihi."

"Hayan na po hinahanap n'yo... buhay na buhay walang kahit na anong sugat pinagdrive na po tayo mga ka Mari," dagdag pa niya.

Samantala, sa pagtatapos ng Holy Week, ibinahagi ni Melai sa kaniyang latest Instagram post ang pagpapasalamat niya sa mga blessings na natanggap niya mula pa noong makapasok siya reality show ng ABS-CBN na “Pinoy Big Brother” o PBB noong 2009 at manalo sa “Your Face Sounds Familiar” noong 2015.

“Birhen dela Assumption, ito ang Patron ng bday nmin mga iina. Paying and praying Thanksgiving and Respect kasi sa kanya ko pinagpray ang mga reality Shows na sinasalihan,” ani Melai noong Lunes, Abril 10.

Maki-Balita:https://balita.net.ph/2023/04/10/melai-cantiveros-grateful-sa-mga-natatanggap-ng-blessings/