Galit na galit ang ina ni Sarah Lahbati na si "Esther Lahbati" sa dating kasambahay ng kaniyang anak, dahil sa ilang mga ginawa umano nito gaya ng pagsasabing siya raw ang dahilan kung bakit ito lumayas kina Sarah, pagtawag ng "dugyot" sa kaniyang mga apo, at iba pa.

Ayon sa Instagram post ni Esther, umalis at hindi na bumalik ang dating kasambahay sa poder ni Sarah. Nanggalaiti si Esther dahil sa ilang mga paninira daw ng kasambahay patungkol sa kaniyang anak at mga apo.

"Hoy babae humarap ka sa akin sabihin mo ang totoo hindi 'yong gumagawa ka ng kadramahan, ako pa talaga ang ginamit mo para sa kasinungalingan mo. Ang kapal ng mukha mo ako pa ang idadahilan mo sa pag-alis mo! Magharap tayo para malaman ng amo mo kung ano ang pinaggagawa mo. Sinungaling ka!" banas na pahayag ni Esther sa kaniyang IG post.

"Ang bilis mo mag-blocked para di kita matawagan noong nag-aapply ka sa akin lagi mo ko tine-text na gusto mo magtrabaho sa akin, ayaw ko kunin ka kasi galing ka sa anak ko at sa isa mong amo na may respeto ako sa anak ko. Noong nagtrabaho ka sa anak ko noon nag-day off ka hindi ka na bumalik alam mo kung bakit di ka na bumalik di ba????"

2 kasambahay na ‘pinalayas’ ni Ruffa Gutierrez noong 2022, naipanalo ang reklamo vs aktres

"Sinasabi mo lagi sa mga alaga mo na lalayasan mo mga bata pag di nakikinig ang mga bata sa iyo at sinasabihan mo pa ng dugyot ang mga apo ko. OA ka masyado. Kung aalis ka sana hindi ka na gumamit ng tao na wala naman ginagawa sa iyo. Akala mo kung sino ka d'yan sa bahay ng anak ko! Sorry ha you blocked me to my messenger. Ayaw mo ko kausapin ng maayos. Ako pa talaga ang ginamit mo sa pag-alis mo sa anak ko."

Sa comment section ng mismong IG post ay nagpatuloy pa si Esther.

"Sana umalis ka na lang ng wala kang idinamay na tao. Bastos ka hindi ko 'to matatanggap."

"Sakit ng ginawa mo sa akin babae ka tahimik ka pero mapanganib ka!"

"Minamarites mo pa nanay ng amo mo sabi mo pagod na pagod ka magtulak sa wheelchair n'ya sa travel n'yo, ang kapal ng mukha mo talaga matapos kang dalhin sa abroad ima-Martes mo pa amo. Ang kapal talaga ng mukha mo!!! Pipiliin mo ang babanggain mong tao!!! Hindi kita titigilan walanghiya ka! Wala akong ginawa sa iyo. Kilalanin mo sarili bago ka manira ng tao."

Kalakip ng Instagram post ni Esther ay ang litrato ng di-pinangalanang kasambahay, na mukhang galing pa sa Sagada. Isinumbat ni Esther na ang nagdala sa kaniya sa lugar na iyon ay si Sarah.

"Turista ka talaga ha?! Anak ko nagdala sa iyo sa SAGADA tapos ang caption mo sa picture mo turista ka? Ahahaha etsoserang palaka!😬binangga mo ko nananahimik ako, grabe sobrang habang text mo sa anak ko huh! Grabe paninira mo sa akin. Ako pa ang napili mong gamitin! Nanay ako ng amo mo, ikaw sino ka ba??????!!!!!!!!! Parang pinapipili mo ang anak ko kung sino ang matitira sa bahay n'ya. Wow ha. Pang-FAMAS ang drama mo sa text mo sa anak ko. Hayaan mo bibigyan kita ng award mo isang trophy na may nakalagay na ang turista sa SAGADA. Hahaha."

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon o pahayag ang kasambahay o maging si Sarah tungkol sa isyung ito.

Si Sarah, ay partner ni ABS-CBN actor Richard Gutierrez, na kapatid naman ni Ruffa Gutierrez, na kamakailan lamang ay natalo sa labor case na isinampa sa kaniya ng dalawang dating kasambahay kaugnay ng mga reklamo nito sa pasahod at pagpapaalis daw.