Aminado si Ginebra San Miguel head coach Tim Cone na nahihirapan ang kanyang koponan laban sa TNT sa best-of-seven series sa PBA Governors' Cup Finals.
Ito ay sa kabila ng kanilang bentahe sa serye, 2-1, matapos ang huling panalo sa Game 3, 117-103, nitong nakaraang Biyernes.
Mahirap aniya kapag sumalang na sa series, lalo na sa finals at makakuha ng sunud-sunod na panalo laban sa isang mahusay na koponan, katulad ng Tropang Giga.
Binanggit ni Cone, mas madali ang laban sa quarterfinals at semifinals dahil hindi masyadong malalakas ang mga koponan, hindi katulad sa finals.
Gayunman, hangad pa rin ni Cone na madugtungan ang kanilang panalo laban sa TNT sa Game 4 sa Araneta Coliseum nitong Linggo, dakong 6:00 ng gabi.
Isasabak pa rin ni Cone sina Justin Brownlee, Jamie Malonzo, Stanley Pringle, Christian Standhardingerp at Scottie Thompson.