Inanunsyo ng Manila Water company na magkakaroon ng water service interruptions sa ilang bahagi sa Pasig City simula Lunes, Abril 17 hanggang Miyerkules, Abril 19 dahil sa declogging operations.

Ang mga lugar sa Barangay Rosario at Maybunga ay maaabala ang serbisyo ng tubig simula alas-10 ng gabi, Abril 17 hanggang 4 a.m. ng Abril 18.

Ang maintenance works ay isasagawa sa kahabaan ng Dr. Sixto Antonio Avenue, C. Raymundo Avenue, at Bernal Street.

Mula 10 p.m. sa Abril 18 hanggang alas-4 ng umaga ng Abril 19, ang MRB Eusebio Bliss Village III Street sa Barangay Maybunga, at iba't ibang bahagi ng Barangay Pinagbuhatan ay hindi rin madadaluyan ng tubig hanggang anim na oras.

National

Sen. Bato, nakiusap kay PBBM hinggil kay Quiboloy: 'Huwag ninyong isara utak ninyo!'

Ang mga apektadong lugar sa Pinagbuhatan ay ang Isla Homes, Villa Miguela, Cristina Homes, Urbano Velasco Avenue, Villa Gloria, Willa Rey, M.H. Del Pilar, at Sandoval Avenue.

Ang mga tauhan ng Manila Water ay magsasagawa ng declogging activities sa M.H. Del Pilar at sa loob ng Cristina Homes, Isla Homes I, Villa Gloria, Villa Miguela, at Willa Rey at Pinagbuhatan; at MRB Eusebio Bliss Village III Street corner Westbank Road sa Maybunga.

Hinihiling ng konsesyonaryo ng tubig sa lahat ng apektadong residente na maghanda ng sapat na suplay ng tubig bago ang nakatakdang pagkaputol ng serbisyo.

Khriscielle Yalao