Binigyang-pugay ng Binibining Pilipinas Charities Inc. si kay Bb. Pilipinas Grand International 2018, registered nurse, at ngayo’y abogada nang si Eva Patalinjug.

Ang Cebuana beauty queen ay pumasa sa 2022 Bar Exam at isa sa 3,992 na manunumpa bilang bagong abogada sa inilabas na anunsyo ng Korte Suprema noong Biyernes, Abril 14.

Basahin: 43.47% examinees, pasado sa 2022 Bar Exams! – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Sa isang social media post, ipinaabot naman ng BPCI ang kanilang pagbati sa former queen.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“Congratulations to our Binibining Pilipinas Grand International 2018 and now Attorney Eva Patalinjug for passing the bar exam. Your Binibini Family is proud of you!👏🏻🩷” mababasa sa post ng organisasyon kamakailan.

Basahin: Beauty and brains! Ex-Miss Grand Int’l rep Eva Patalinjug, pasado sa Bar Exam – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Pinusuan ng netizens at pageant fans ang good news.

Isang pasasalamat naman ang naging tugon lang ni Eva sa dating organisasyon na aniya’y pamilya kung kaniyang ituring.

“Waahhhhh thank youBinibining PilipinasFamily! Always!🙏🏻🙏🏻🙏🏻🙏🏻” ani Eva.