Minamadali na ng gobyerno ang pagpapalabas ng ₱9.7 bilyon upang maayudahan ang mga naapektuhan ng inflation o mabilis na pagtaas ng presyo ng bilihin at serbisyo.

Binigyang-diin ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Assistant Secretary Rommel Lopez, pinoproseso na ng Department of Finance (DOF) ang pagri-release ng pondo upang mabigyan ng tig-₱1,000 ang bawat pamilyang benepisyaryo nito.

Nitong nakaraang buwan, isinapubliko ni DOF Secretary Benjamin Diokno na ang ilalabas na ayuda ay bahagi ng extended Targeted Cash Transfer (TCT) na dati nang inilunsad ng dating administrasyon.

Tiniyak pa ni Diokno na bibigyan din ng fertilizer discount voucher ang mga magsasaka, fuel discount para sa mga magsasaka at mangingisda, at fuel subsidy sa transport sector na naapektuhan naman ng mataas na presyo ng langis.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Matatandaang iniulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) na umabot sa 7.6 porsyento ang inflation nitong Marso, bumagal kumpara sa naitalang 8.6 nitong Pebrero.