"Yung dog food mo madami pa pero yung pasensya ko konti na lang!"

Tila naka-relate ang ilang furparents sa ibinahaging pagkadismaya ng isang furmom nang gutay-gutayin ng alagang aso ang kaniyang ₱500 bill.

Sa Facebook post ng Furmom na si Ameree Crizelle, nagbahagi siya ng isang larawan kung saan makikita siyang hawak kunwari ang kaniyang alagang aso sa leeg habang makikita sa tabi nito ang ginutay-gutay na ₱500 bill.

"Yung dog food mo madami pa pero yung pasensya ko konti na lang! Jusko Spice!"

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

Sa laki ng halaga ng pera ay hindi niya alam kung anong gagawin kay Spice kaya naman umakto ito na parang sinasakal ang aso ngunit paglilinaw niya ay walang hayop ang nasaktan sa larawan o video.

Ang post niyang ito ay tumabo na libo-libong laughing reactions at umani pa ng iba't ibang reaksyon mula sa mga netizens:

"Kung san san mo kasi nilagay pera mo mommy!"

“Bili ka nalang po bagong aso”

“Kawawa yung limang daan”

“AHHAHHAHAHA cuteee na nakakainis!”

“Parang aso ko huhuuhhuh”

“Ay (summer) wag mong tangkain kahit isipin kundi isasapaw kita sa kanin pang bigas na natin yan!!! Syempre char lang, pwede bang bente lang wag 500”

“Safe puro piso haha”

Ang orihinal na linyang ito ay mula sa pahayag ni Kapamilya star Angelica Panganiban na “Ang pera natin hindi basta-basta mauubos! Pero ang pasensya ko, konting-konti na lang!” na tumatak dahil sa pelikulang “One More Try” nila nina Dingdong Dantes, Zanjoe Marudo at Angel Locsin sa ilalim ng Star Cinema, noong 2012.

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa amingFacebookatTwitter!