Nagpaabot ng pagbati si Narvacan, Ilocos Sur Mayor Pablito V. Sanidad, Sr. sa isang UP Baguio law graduate na sinasabing gumawa ng kasaysayan, dahil siya ang kauna-unahang "visually-impaired" na nakapasa sa katatapos na Bar exam.

Ang naturang law graduate ay si Anthony Mark Dulawan Emocling na pang 1407 sa listahan ng mga pumasang Bar takers noong 2022.

Si Emocling ay naging estudyante ni Sanidad sa UP Baguio kung saan nagtuturo din ang Narvacan mayor.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

"Congratulations ANTHONY MARK DULAWAN EMOCLING!!!"

"My blind student at the University of Baguio, School of Law (UBSOL) who against all the odds and despite being blind is now a Lawyer!" ani Sanidad sa kaniyang Facebook post.

Bukod kay Emocling, masaya rin si Sanidad dahil nakapasa rin ang kaniyang mga anak at kaanak sa Bar.