Kamakailan lamang ay ibinahagi ni Optimum Star Claudine Barretto sa kaniyang Instagram post ang pagdalaw niya sa puntod ng yumaong ex-boyfriend at katambal na si Rico Yan.

Kung tutuusin, hindi naman na bago kay Clau ang pagbibigay-pugay niya kay Rico, na lagi naman niyang ginagawa sa kaniyang social media accounts, lalo na kapag birthday o death anniversary nito.

View this post on Instagram

A post shared by Claudine Barretto (@claubarretto)

Claudine Barretto, binisita ang puntod ni Rico Yan noong Easter Sunday

Noong Easter Sunday, pinuntahan ni Claudine ang puntod ni Rico kahit na madlim na.

Umani naman ito ng positibong reaksiyon sa mga netizen na masugid na tagasubaybay nina Claudine at Rico.

Hindi raw maiaalis kay Claudine na alalahanin si Rico, dahil naging bahagi ito ng kaniyang buhay. Irespeto na lamang daw si Claudine kung hanggang ngayon ay may malaking puwang pa rin ang ex sa kaniyang puso.

Sa kabilang banda, sa Twitter ay binarda siya ng isang alt Twitter account at kinuwestyon ang kaniyang ginawa.

"Gurl ikaw ang reason kung bakit maagang nawala si Rico. Tantanan mo na yun patay," saad ng Twitter account na "AltGMA @KafosoMo."

Umani naman ito ng reaksiyon at komento mula sa netizens.

"Jusko. Hindi na hinayaang matahimik si Rico eh."

"For publicity josko. Pwede naman pumunta ng walang camera."

"Nakakainis! Documented pa talaga?"

"Luh si ate. Wag mo na idamay sa gimik mo yung matagal ng nananahimik."

"May bagong project yata kaya nag-iingay?"

"Wala na akong maramdaman na sincerity niya sa pagpunta-punta sa puntod ni RY. Parang gamit na gamit yung yumao."

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ni Claudine tungkol dito. Bukas ang Balita para sa kaniyang panig.