Milyun-milyong jackpot prize ang naghihintay na mapanalunan sa Ultra Lotto 6/58 at Mega Lotto 6/45 ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Ito'y dahil walang nanalo sa lotto draw nitong Biyernes, Abril 14.

Ayon sa PCSO, walang nakahula ng winning combination na  34 - 03 - 46 - 42 - 52 - 54 sa Ultra Lotto na may premyong P56,926,016. Gayundin sa Mega Lotto na may winning combination na 36 - 22 - 30 - 28 - 05 - 13 at jackpot prize na P88,605,246.40. 

Kaya naman inaasahan na mas tataas pa ang mga jackpot prize sa susunod na bola.

Internasyonal

Dating posisyon ni Pope Leo XIV, ipinasa kay Cardinal Tagle

Ang UltraLotto 6/58 ay binobola tuwing Martes, Biyernes at Linggo habang ang MegaLotto 6/45 ay may draw naman tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes.