Kumakalat ang tsikang nairita daw ang singer na si Jake Zyrus sa mga taong pilit na hinahanap at ibinabangon pa sa hukay si "Charice," ang dating siya, na itinuturing na international singing diva na kinilala sa buong mundo dahil sa angking-husay sa pag-awit. Dahil dito, nakatrabaho niya ang ilan sa mga tinitingilang international singers at songwriters gaya nina Celine Dion at David Foster.

Sa isang online gaming session bago raw ang Semana Santa ay naglabas ng kaniyang hinanakit si Jake sa mga taong humihirit na ibalik niya ang dating siya, lalo na ang paraan ng pagkanta.

Bagay na imposible na nga dahil dumaan na siya sa transitioning kaya isa na siyang trans man ngayon.

“Anong gusto n'yong mangyari? Bubuhayin si Charice? Paano? Scientifically wala. It’s impossible because I’m already taking like hormones because that’s who I am,” sey daw ng singer ayon na rin sa ulat ng PEP.

Morissette, wala raw binatbat sa 'legendary' anak na si Charice, sey ni Raquel Pempengco

“So anong, like, the fckng stupid question… Questions na, ‘Oh, can you bring back your voice?’ That’s not possible!

“So, some of you just shut up and listen to your Charice’s songs in your own fckng time!”

Hindi rin niya bet na ikinukumpara pa si Charice sa iba pang singers ngayon, gaya ni Asia's Phoenix Morissette Amon.

“To actually compare the old me to some of the greatest singers out there. Hindi lang disrespectful sa akin ‘yon! Disrespectful din sa kanila ‘yon!

“You’re literally comparing these singers to the person that doesn’t even exist anymore! Do you guys even think about that?”

So, ito kaya ang reaksiyon niya sa kaniyang inang si Raquel Pempengco na siya namang naunang magsabing wala pang makakapantay sa anak pagdating sa biritan at pagbibigay-buhay sa mga awitin ni David Foster?