Tila kibit-balikat at tinawanan lamang ng "Martyr or Murderer" director Darryl Yap ang isang ulat na nagsasabing naispatan siyang kasama ng aktor na si Jerome Ponce na nagbakasyon sa Olongapo, iniintriga at itinuturong dahilan ng hiwalayan issue nito sa girlfriend na si Sachzna Laparan.

Ibinahagi ni Yap ang ulat sa kaniyang Facebook post at saka kinomentuhan.

"Napakaganda mo naman Darryl Yap. Susunod na balita, buntis na ko."

National

2 taga-Laguna na parehong nanalo sa magkahiwalay na Lotto 6/42 draw, kumubra na ng premyo

Sinakyan at "inasar" naman siya ng mga kaibigang celebrity gaya nina Ruffa Gutierrez at Juliana Segovia Parizcova.

"Haba ng hair!!" sey ni Ruffa G.

"Ikaw na ang bagong Our Lady of 3rd party," hirit ni Juliana.

Screengrab mula sa FB ni Darryl Yap

Anyway, espekulasyon pa lamang na hiwalay na sina Jerome at Sachzna dahil batay lamang ito sa kani-kanilang cryptic social media posts, at wala pang kumpirmasyon mismo mula sa kanila.