Pangungunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang pamamahagi ng tulong sa mga naapektuhan ng oil spill sa Mindoro.

Nitong Sabado, Abril 15, binisita ang lalawigan kung saan namigay ng iba't ibang tulong sa mahigit 1,200 benepisyaryo sa Pola.

Nag-aerial inspection din si Marcos sa mga lugar na naapektuhan ng insidente.

Kabilang sa naipamahagi ni Marcos ang 17 na bangkang pangisda, pito rito ay para sa Pola.

National

Ilang bahagi ng bansa, uulanin dahil sa shear line, easterlies

Isa namang post-harvest technology package (fish smoking technology) na nagkakahalaga ng P335,739.00 ang naipamahagi sa Maasin Marine Protected Area Association sa Bulalacao, Oriental Mindoro.

Isa ring tractor ang ibinigay ni Marcos sa Maralitang Magsasaka ng Mindoro sa Bansud, Oriental Mindoro at tatlong unit ng pump at makina ang idiniretso sa Maralitang Magsasaka ng Mindoro and Mahabang Parang Farmers Association sa Naujan, Oriental Mindoro.

Anim na water pump ang tinanggap naman ng pamahalaan ng Pola, Naujan at Pinamalayan.

Nasa 2.5 kilo ng assorted vegetable seeds, 10 sako ng bigas, dalawang sako ng brown rice, 300 bag ng palay seeds at 300 corn seeds ang ipinamahagi naman sa Pola.

Ang iba pang tulong ay mula sa iba't ibang ahensya ng gobyerno na kinabibilangan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Labor and Employment’s (DOLE), Department of Agriculture’s (DA), Bureau of Fisheries and Aquatic Resources’ (BFAR) at Department of Trade and Industry (DTI).