Walang pinalad na manalo ng mahigit ₱74 milyong jackpot prize ng Lotto 6/42 na binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Sabado, Abril 15.

Ayon sa PCSO, walang nakahula ng winning combination na 23 -19-24-42-13-16 na may kalakip na jackpot na ₱74,355,879.40.

Gayunman, may 96 na manananaya ang nanalo ng ₱24,000; 4,209 na bettor naman ang nanalo ng ₱800. 

Binobola ang Lotto 6/42 tuwing Martes, Huwebes, at Sabado. 

Eleksyon

COC Filing Day 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5