Hindi napanalunan ang ₱29M jackpot prize ng Grand Lotto 6/55. Gayunman, may isang lucky bettor ang nag-uwi ng second prize na may halagang ₱100,000. 

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), hindi nahulaan ang winning combination na 51-19-41-14-35-20 na may tumataginting na premyong ₱29,700,000.

Bukod sa nanalo ng second prize na ₱100,000, may 293 na mananaya naman ang nag-uwi ng ₱1,500.

Ang Grand Lotto 6/55 ay binobola tuwing Lunes, Miyerkules, at Sabado. 

Eleksyon

COC Filing Day 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5