Pinalagan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang viral na social media post na nagsasabing nagkaroon umano ng anomalya sa pamamahagi ng financial assistance nito sa Baliuag, Bulacan kamakailan.

Sa kanilang Facebook post nitong Biyernes, itinanggi ng DSWD ang nasabing alegasyon at sinabing isa lamang itong pekeng impormasyon.

"Huwag basta-basta maniwala sa mga nababasa online. Isang Twitter post ang kumakalat na nagsasabing diumano na mayroong irregularidad sa naganap na distribusyon ng tulong pinansyal sa ilalim ng programamg Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) sa Baliuag, Bulacan," ayon sa pahayag ng DSWD.

Ayon sa ahensya, wala itong katotohanan batay na rin sa resulta ng kanilang imbestigasyon.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

"Humingi na rin ng dispensa ang indibidwal na nag-post ng naturang 🚫 fake news," sabi pa ng DSWD