Nararanasan pa rin angpagkakaantalang SIM (subscriber identity module) registration dahil sa kawalan ngsapat na kaalaman sa digital at kakulangan ng valid identification (ID), ayon sa isang telecommunications company.

Sinabi ni Globe Telecom corporate communications officer Yoly Crisanto, sa isang television interview, na isa ito sa mga dahilan kaya nasa 66 milyon pa lamang sa 168 milyong SIM card sa bansa ang nakarehistro hanggang nitong Abril 11.

Dahil dito, nananawagan sa pamahalaan ang kumpanya na palawigin pa ang nauna nang itinakdang deadline ng rehistrasyon sa Abril 26.

Aniya, kailangan ng tulong ng mga taga-probinsya upang makapagparehistro ang mga ito sa lalong madaling panahon.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Kamakailan, ipinahayag ngDepartment of Information and Communications Technology (DICT) at National Telecommunications Commission (NTC) na pinag-aaralan pa nilang magtakda ng panibagong deadline ng SIM registration.

Kapag hindi naiparehistro ang ginagamit na SIM card, made-deactivate na ito at hindi na magagamit, ayon pa sa kumpanya.