Ipinahayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na paglingkuran nawa ng mga nakapasa sa 2022 Bar Exams ang bayan nang may integridad at kahabagan.

“Congratulations to our 2022 Bar Examination passers!” ani Marcos sa kaniyang Twitter post nitong Biyernes, Abril 14.

“May you always serve our nation with integrity and compassion.”

Sa inilabas na resulta ng Korte Suprema kanina, tinatayang 43.47% examinees umano ang nakapasa sa nasabing 2022 Bar Exams.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

BASAHIN: 43.47% examinees, pasado sa 2022 Bar Exams!

Kapwa mga nagtapos sa University of the Philippines College of Law naman ang nakasungkit sa unang limang pwesto nito.

BASAHIN: UP Law graduates, nasungkit ang top 5 sa 2022 Bar exams