Nakatakda nang maideklara bilang ASEAN Heritage Park (AHP) ang Mount Inayawan Range National Park sa bayan ng Nunungan sa Lanao del Norte.

Sa ulat ng PNA, sinabi ni Nunungan Municipal Mayor Marcos Mamay na opisyal na idedeklara ang Inayawan bilang AHP sa darating na Hunyo 28.

Ito ang magiging pang-sampung AHP sa Pilipinas, kabilang na ang Mt. Apo Natural Park, Mt. Makiling Forest Reserve at iba pa.

Ang mga AHP umano ay mga protektadong lugar na nagbibigay ng mataas na kahalagahan sa konserbasyon at nag-iingat sa representative ecosystems ng ASEAN region.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Samantala, ang Mt. Inayawan ay isang protected area na nakatayo sa mahigit 3,500-ektarya ng lupa at 1,365 sa ibabaw ng dagat.

Hinikayat naman ng alkalde ang mga turistang bisitahin ang Nunungan na mayroon umanong tatlong “malinis na lawa, apat na nakamamanghang talon, at limang natural na kuweba.”

Pinakasikat din daw sa kanilang lugar ang karamihan ng wild berries na siyang dahilan kaya’t minimithi nilang maging wild berries capital ang lungsod sa buong Pilipinas.