Naghahanap ng isang bihasang driver ang lumikha ng ‘Bahay-jeep’ para libutin ang buong Pilipinas.

Sa Facebook post ni Francis Cañaveral Amoroso– nakaisip ng ideyang ‘’Bahay na, pang-travel pa!" aniya naghahanap siya nang magmamaneho ng kaniyang ‘Bahay-jeep’ na game libutin ang buong Pilipinas.

‘Bahay-jeep’ kinabiliban ng netizens

"Looking for driver 15k per month. Sasama sa amin sa paglilibot sa buong Pilipinas. Luzon, Visayas at Mindanao. Bahay Jeep ang idadrive."

Dahil balak nilang puntahan ang lahat ng probinsya, isa sa mga kwalipikasyon niya ay single o di kaya’y malayo sa pamilya dahil kahit abutin man umano ng ilang buwan ay hindi sila uuwi.

“Aabutin tayo ng ilang buwan na walang uwian sa mga bahay natin. Kasi pupuntahan lahat ng probinsiya.

Mahilig sa travel at certified adventurer si Francis, balak pa nga niyang gumawa ng history at ipunin ang lahat ng aral at memories na kaniyang babalik-balikan.

“Gagawa tayo ng History at Future tapos idocument natin lahat ng adventures natin para may memories tayong babalik-balikan.”

Narito pa ang ibang mga kwalipikasyon na kaniyang hinahanap: Hindi mainitin ang ulo dapat ay mahaba ang pasensya, marunong makisama, mahilig gumala at masayahing tao.

Maraming netizens ang natuwa at na-inspire sa ideyang ibinahagi ni Francis dahil sa kaniyang kakaibang imbensyon na dahil sa pagkahilig niya sa travel at panonood ng mga video tungkol sa ‘van life.’

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa amingFacebookatTwitter!