Napanalunan ng isang taga-Agusan del Norte ang halos ₱28 milyong jackpot sa draw ng Super Lotto 6/49 nitong Huwebes ng gabi.

Sa pahayag ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), nahulaan ng naturang mananaya ang winning combination na 48-19-10-17-47-49, katumbas ang premyong ₱27,978,266.40.

Ang ticket ay nabili ng nabanggit na mamanaya sa Santiago, Agusan del Norte.

Binobola ang Super Lotto 6/49 tuwing Martes, Huwebes at Linggo.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Kaugnay nito, 19 namang mananaya ang nanalo ng tig-₱50,000 matapos mahulaan ang lima sa anim na winning digits, habang 716 naman ang tumama ng tig-₱1,200 makaraang mahulaan ang apat sa anim na digit ng winning combination.

Pinayuhan naman ng PCSO ang naturang bagong milyonaryo na magtungo lamang sa kanilang main office, dalhin ang winning ticket at magdala ng dalawang valid identification (ID) card upang makubra ang premyo.

Philippine News Agency