Excited nang makatrabaho ni Dolly de Leon ang aktres na si Kathryn Bernardo sa kanilang pagsasamahang pelikula.

Sila ay magsasama sa isang Star Cinema film na "A Very Good Girl." Isinulat ito ni Marionne Dominique Mancol at idi-direct ni Petersen Vargas.

Sa isang panayam ng PUSH kay Dolly, nilolookforward niya ang nasabing pelikula at inaming galing na galing siya kay Kathryn, lalo na sa pelikulang "Hello, Love, Goodbye."

"Syempre kinikilig ako kasi galing na galing ako kay Kathryn. Kinikilig talaga syempre kasi napakahusay niya at tiyaka napakabuting tao. She’s really a very good actress and so, of course I’m so flattered. I’m so flattered and I’m really excited to work with her," ani Dolly.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Same with Kathryn, excited na rin siyang makatrabaho ang batikang aktres. Sigurado rin siyang marami siyang matututunan mula rito.

"It such an honor because I will be working, she agreed to work with me, with the one and only Ms. Dolly de Leon," ani Kathyrn.

"For sure marami akong matututunan sa kaniya. I can't wait to meet her again kasi sinabi niya pala na nagkasama na kami years ago when I was younger... so now I am looking forward na mas makatrabaho siya ng mas matagal at mas makilala siya. And what a great honor na nabigyan niya ako ng oras," sey pa niya.

"Thank you so much, Ms. Dolly."