Isa na namang achievement ang nakamit ni Binibining Pilipinas 2018 Grand International Eva Patalinjug matapos nitong mapabilang sa mga pumasa sa Bar Exam na siyang inanunsyo ng Korte Suprema, Biyernes, Abril 14.

Agad bumuhos ang pagbati sa Cebuana beauty queen mula sa kaniyang mga taga-suporta, kabilang na ang kaniyang ina na si Liza Soroño na siyang idinaan sa isang Facebook post ang mensahe para kay Eva, kung saan pinaalalahaan nito ang anak na maging mapagpasalamat at patuloy na maging mapagkumbaba.

“Congratulations to my eldest daughter Atty. Eva Psychee Soroño Patalinjug, R.N. Eva Patalinjug for passing the bar exam, be grateful and stay humble ate, I am so so proud of you.... I love you ate,” aniya.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa isang Instagram story naman, makikita na nagpasalamat si Eva sa Poong Maykapal para sa panibong biyayang kaniyang natanggap.

Eva Patalinhug, Instagram

Nagtapos ng abogasiya si Eva sa University of San Carlos, at kasalukuyang tumatayo bilang National Director ng Hiyas ng Pilipinas pageant.