Kamakailan lamang ay flinex ng Kapuso actress na si Rhian Ramos ang kaniyang litrato kung saan makikita ang kaniyang sexy body, na talaga namang kering-keri niyang dalhin.

Subalit ang ikinaloka ng mga netizen ay ang mala-"face mask" sa liit na bikini niya na halos magpasilip na "pinto ng langit."

Isa nga sa mga nagkomento rito ay ang celebrity doctor na si Dra. Vicki Belo.

"Wala bang mas maliit na bikini?" tanong ni Belo.

66-anyos na si Vicky Belo, nagpaandar ng one-piece sa gitna ng snow sa Japan

Natawa naman ang mga netizen at sinakyan ang biro ng doktora.

"Band aid po doc hahaha."

"Nakatipid sana kung Band Aid na lang ang ginamit."

"Kaya mo rin 'yan dok sige challenge natin si dok oh dok dare."

"Sakto na po 'yan doc hahaha."

'Mas maganda iband aid n'yo na lang mga mata ninyo hahaha wala akong makitang malaswa."

Kamakailan lamang ay naging trending din ang pagsusuot ng swimsuit ni Belo kahit na nasa lugar na punumpuno ng niyebe o snow sa kaniyang paligid, habang sila ay nasa Japan.