Nakakuha ng mataas na approval at trust ratings sina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte sa inilabas na Pulse Asia Survey nitong Miyerkules, Abril 12.

Sa inilabas na resulta ng survey sa March 2023 Ulat ng Bayan, tinatayang 78% ng mga Pinoy ay aprubado umano ang kabuuang performance ni Marcos bilang Pangulo ng Pilipinas. Nasa 5% naman ang hindi aprubado sa naging kabuuang performance ng pangulo, habang 16% ang undecided.

Tinatayang 80% naman ang umano’y may malaking tiwala kay Marcos, habang 5% naman ng mga Pinoy ang mayroon lamang maliit o wala talagang tiwala sa kaniya.

Samantala, ang performance ni Duterte bilang bise presidente ang pinaka-inaprubahan ng mga Pinoy matapos umano itong makatanggap ng 83% na approval rating. Tinatayang 4% naman ang hindi aprubado sa naging performance ni Duterte habang 13% ang undecided.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Pagdating sa kabuuang trust ratings ng bise presidente, 85% ang lubos na nagtitiwala habang 3% ang wala o may maliit lamang na tiwala sa kaniya.

Isinagawa umano ang nasabing survey, na may ± 2.8% error margin at the 95% confidence level, mula Marso 15 hanggang Marso 19 ngayong taon sa pamamagitan ng personal na pakikipanayam sa 1,200 Pinoy na nasa 18-anyos pataas.