Nagpahayag ng pasasalamat si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos sa natanggap umano nila ni Vice President Sara Duterte na mataas na approval at trust rating sa lumabas na Pulse Asia survey.

Sa inilabas na survey ng Pulse Asia, tinatayang 78% ng mga Pinoy ang umano sa kabuuang performance ni Marcos bilang Pangulo ng Pilipinas at 80% naman ang umano’y may malaking tiwala sa kaniya.

Nakatanggap naman si Duterte ng 83% approval rating at 85% trust rating sa inilabas ding resulta ng survey.

BASAHIN: PBBM, VP Sara, nakakuha ng mataas na trust ratings sa Pulse Asia Survey

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

“Tunay na nakatataba ng puso ang patuloy na pagmamahal at pagtitiwala na ibinibigay ng taumbayan sa amin ni VP @indaysaraduterte,” ani Marcos sa kaniyang social media post.

“Asahan po ninyong malayo ang mararating ng inyong suporta, lalo na at pundasyon ito ng tagumpay ng mga programang ating inilalaan para sa ikauunlad ng bawat Pilipino,” saad pa niya.

Sina Marcos at Duterte ang mag-running mate noong nakaraang eleksyon, Mayo 2022, kung kailan sila nagwagi bilang Pangulo at Bise Presidente ng bansa.