Inamin ng Kapamilya actor na si JM De Guzman na matagal na siyang nanliligaw sa isang di-pinangalanang female personality at mahigit isang taon na raw siyang nanunuyo rito.

Naganap ang pag-amin sa media conference ng pelikulang "Adik Sa'Yo" na pinagbibidahan nila ni Cindy Miranda, produced by Viva Films.

Bagama't hindi pinangalanan, sure na sure ang mga netizen na ang tinutukoy niya raw ay ang social media personality-actress na si Donnalyn Bartolome, dahil ilang beses na rin siyang naitampok sa vlog nito, at isa pa, talagang nagpapakita ng sweetness si JM kay Donnalyn sa pamamagitan ng pagbibigay ng kung anik-anik sa kaniya!

Nang tanungin kung vlogger ba ito, namula ang pisngi ng aktor na kabilang sa upcoming seryeng "Linlang" kasama sina Kim Chiu, Paulo Avelino, at Diamond Star Maricel Soriano.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Going back to JM at Donna, noong Oktubre 4, 2022 nga ay pinag-usapan at kinakiligan ang mga sinabi ng aktor sa vlogger-actress, nang magbigay ng sorpresa ang huli para sa birthday ng aktor.

"May ginintuan kang puso para mabigyan mo ako ng pagkakataon na lumigaya. Hindi pa ako nasorpresa ng ganito at lubos ang aking ligaya. napaka buti mong tao. Sobrang swerte siguro ng magiging boyfriend mo," ani JM.