Nanawagan muli ang Land Transportation Office (LTO) sa publiko na huwag nang makipagtransaksyon sa mga fixer na nagbebenta ng mga pekeng driver's license.

Ito ang reaksyon ni LTO chief Jay ArT Tugade kasunod ng pagkakadakip ng mga fixer sa magkahiwalay na operasyon sa Iloilo City at Oas, Albay kamakailan.

Kabilang aniya sa inaresto ang isang opisyal ng barangay sa Ilongbukid sa San Rafael, Iloilo dahil sa pagbebenta umano nito ng mga pekeng lisensya na nagkakahalaga ng ₱5,650.

Sa Oas, Albay, isa namang volunteer traffic enforcer ang dinakip ng pulisya nang tangkaing hingan ng₱7,500 ang isang complainant kapalit ng agarang pagproseso ng driver's license application ng biktima.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

“It seems these fixers are really desperate for money. Admittedly, life is still hard, especially that many are still recovering from the economic effects of the pandemic, but it is never, and will never be, enough reason to engage in criminal acts such as fixing. There will be consequences, and at the LTO, we will make sure that illegal activities such as fixing will be dealt with severely according to our laws,” pagdidiin ni Tugade.

Sinampahan na ng kaso ang mga suspek, ayon pa sa opisyal.