Kilig ang hatid ng actress-comedian na si AiAi Delas Alas sa kaniyang 9th anniversary message para sa mister na si Gerald Sibayan.

Sa isang Instagram post nitong Miyerkules, nag-upload si AiAi ng isang video compilation ng pictures nilang mag-asawa mula noong 2014.

"Happy 9th year anniversary as a couple my darling ko... May our marriage be blessed with love, joy and companionship for all the years that we will be sharing," sey ng aktres sa caption.

Sey pa niya, kathang-isip lamang daw sa kaniya noon ang ideyang pagkakaroon ng "perfect husband." Pero nang makilala niya si Gerald, nagbago ang kaniyang pananaw. Totoo raw pa lang may "lalaking maayos."

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

"I always thought that a perfect husband is a myth, kathang isip lang... sabi-sabi, kwento-kwento kasi dati ang lalaki sakin toxic... aba nag babago pala ang pananaw... totoo pala na may lalaking maayos, may asawang mabait meron palang forever... akala ko bilihan lang damit ang may forever (21)," dagdag pa niya.

Nagpasalamat siya sa kaniyang mister na hindi lang basta asawa kundi kaniya ring kaibigan.

"Thank you very much for being my husband, my partner, my boyfriend, my friend my ka tsismisan at ang importante sa lahat my provider ang nagpapakain saken," mensahe niya.

"Ilove you so much my darling ko yes looking forward sa 10 years natin next year. tarush te going strong!!! ang lungkot ng mga bashers at hater 9 years na eh mali silaHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHA... Seriously thank you LORD sa greatest blessing ng buhay ko."

May hashtag pa itong #paginggitpikit.

Samantala, nagpaabot naman ng pagbati ang kaniyang followers sa Instagram.