Usap-usapan ngayon ang pa-free hug ng celebrity/TV personality na si Sachzna Laparan habang siya ay nasa Taiwan.

Uso ang "free hug campaign" ngayon para sa mga nakararanas ng iba't ibang emosyon gaya ng kalungkutan, anxiety, depresyon, stress, discomfort, at iba pang may pinagdaraanan.

Sa video, mababasang may hawak na placard ang girlfriend ni Jerome Ponce na may nakasulat na "Free Hug."

"Free hug sa Taiwan! 🤗," aniya.

Pahiwatig sa vlog: Jerome Ponce, Sachzna Laparan hiwalay na ba?

"Disclaimer: For safety, nakapag-antigen before & after."

Marami naman ang pumuri sa kampanyang ito ni Laparan, na kamakailan lamang ay usap-usapan dahil sa "rumored breakup" nila ni Jerome.

"HUHU SANA ALL NAKAHUG SAYO 😭💜 BUT I WAS HAPPY SEEING YOU SMILE AGAIN. ILOVEYOU SASHENG I HUG YOU WHEN I SEE YOU AGAIN. MWAAAA."

"Ganyan din nakikita ko sa ibang vlogger sa America, kaso iba nga lang nakasulat, hug para sa mga nakakaranas ng super stress, depression, anxiety at iba pa para i-comfort yung mga tao na nahihirapan sa buhay. Keep fighting lang sa life."

"Sending hugs ate, kitang-kita sa mata mo ate na sobrang happy mo!"

"Nakaka-touch 'to… Sobrang makakatulong talaga sa isang tao ang isang yakap lalo na kung may pinagdadaanan ka. God Bless you miss flawless Sachzna Laparan."

Sa kabilang banda, ayon sa isang ulat, may ilang netizen ang nagtaas ng kilay sa kaniyang ginawa.

"Arte neto. Bat hindi sya sa Pinas mag alok ng Free Hugs?"

"All for content. How shallow this generation has become."

"The design is very kacheapan at papansin."

"Napagkakitaan na ang break up. Jusko. Sabagay kung sinaktan ka, pagkakitaan mo na lang."

"Arte nito para sa content! Sa Quiapo ka or sa Tondo ka mag-free hugs tingnan ko lang kung kaya mo. Ang arte talaga nakaka-high blood!"

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon o pahayag si Sachzna hinggil sa mga negatibong reaksiyon sa kaniyang pa-free hug sa Taiwan. Hindi pa rin malinaw kung talaga bang hiwalay na sila ni Jerome, batay sa espekulasyon ng mga netizen, at batay na rin sa kaniyang latest "Docuweek" vlog.