Cool na sinagot ng bagong host ng nagbabalik na "Face 2 Face" sa TV5 na si Karla Estrada ang komento ng isang netizen na hindi lamang siya bagay na host ng programa, kundi pati referee sa dalawang kampong maghaharapan, magtatalakan, at magbabardagulan sa tinaguriang "barangay hall on-air."

Ipinasilip na kasi ni Karla sa kaniyang socmed ang kanilang set.

Karla Estrada, ipinasilip ang set ng ‘Face 2 Face’

Sey kasi ng naturang netizen, bukod sa pagiging host ay kayang-kaya rin ni Karla ang trabaho nina "B1 at B2," o ang mga "bouncer" na siyang umaawat kapag nagkakasuguruan na.

"Ms. Karla is not only a good host but can also be a referee when families get into a fight… sa laki ni Ms Karla ang bumangga titilapon sa gitna ng kalsada," sey ng netizen.

Pero sa halip na mapikon ay tinawanan na lamang ito ni Karla.

"Galing ng idea mo (with laugh emoji)," sagot ng dating Magandang Buhay momshie host at ngayon ay nagbabalik-telebisyon na.

Screengrab mula sa FB ni Karla Estrada via Fashion Pulis

Anyway, mapapanood ang Face 2 Face sa darating na Mayo 1.