Lumundag ang puso ng mga "batang 90s" sa throwback at nostalgic photo na ibinahagi ni 'Magandang Buhay" momshie host Jolina Magdangal kasama ang Phenomenal all-male group na "Gwapings" na kinabibilangan nina Jomari Yllana, Mark Anthony Fernandez, at Eric Fructuoso (wala sa litrato si Jao Mapa).

Ayon sa caption ni Jolens, "Panahong wala pa akong labtim kilig na kilig ang mga tao sa tatlong ito. Sino sila?? Sagot na!!!!!"

View this post on Instagram

A post shared by ๐Ÿ€๐Ÿฆ‹ Jolina Magdangal Escueta ๐Ÿฆ‹๐Ÿ€ (@mariajolina_ig)

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Marami sa mga netizen ang muling sinariwa ang nakaraan, lalo't patok na patok ang "Gwapings" noon na nagkaroon pa ng show sa GMA Network.

Nagkomento naman dito si Eric.

"Cute!" aniya. "Nakakamiss 90s!"

Segunda naman ni Jolina, "Korek! Saka yung pagsasayaw n'yo na di nagsasabay!๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚ (โœŒ๐Ÿผpeace tayo๐Ÿ˜‚)."

Samantala, inintriga naman ng mga netizen kung bakit nakahawak ang kaliwang kamay ni Jolens kay Eric sa litrato.

"Bat me pa holding hands po?hehehe."

"Pansin ko nga. Holding hands!"

"Ate I'm sorry pero yung kamay talaga eh ๐Ÿ˜†."

"Yung kamay mader!!"

"Naging kayo ba ni Eric Fructuoso? ๐Ÿ˜‚โœŒ๏ธ."

"Bakit kinilig ako sa pagkakahawak ni Eric sa kamay mo?"

Agad namang nagpaliwanag si Jolens, "Hahaha! S'ya lang humawak! Haha! Pero mas kachika ko kasi si Eric sa kanilang 3."

Sa ngayon ay pareho na silang pamilyado kaya 'wag nang umasa ang mga kinikilig sa kanilang dalawa!

Pero kung magsasama sila sa serye o pelikula, posible kaya? Why not!