Tila hindi na nakapagtimpi ang singer na si "Gigi De Lana" matapos banatan ang mga netizen na "mapanghusga" at walang ginawa kundi okrayin ang kaniyang mga kilos, pananamit, at bet sa buhay.

Matatandaang pinuna ng mga netizen ang pagpapaiksi niya ng buhok. Paliwanag niya sa TikTok, ito ay dahil sa kaniyang inang may iniindang malubhang karamdaman, at dumaraan sa chemotherapy.

Sunod namang sinita sa kaniya ay ang pagpapalagay ng tattoo sa katawan, partikular sa bandang balikat at braso.

Ani Gigi sa kaniyang Facebook post, bagama't marami ang pumupuri sa kaniya, marami rin ang nagsasabing "dirty" na raw siyang tingnan.

Gigi De Lana dirty na raw matapos magpa-tattoo; singer umalma

"Just because I got a tattoo, again," ani Gigi.

"A lot of people have judged my skin, my passion, and my heart. Some of them have good comments 🙂 But most of them are like: 'She’s dirty now.'"

Aniya, kahit nagpalagay siya ng tattoo, siya pa rin si Gigi na inilarawan niya bilang "stronger," "bolder," at mas confident.

"Please, don't judge. Lalo na you will never know the real whole story behind it."

"I’m still me 🙂, but not the facade girl before. Just because I have a lot of tattoos does not mean I’m a bad person. I’m just different now. I’m stronger, I’m bolder, I’m more confident, And as much as I can, I don’t judge. And I grow every day."

Pakiusap niya sa lahat, "Let's love one another. And stop controlling things that you cannot control."

Sa isa pang Facebook post, tila hindi na nakapagtimpi si Gigi at sinamantala na ang pagkakataon para magbigay ng mensahe sa mga "mapanghusga" sa kapwa, na para sa kaniya ay mga "mapagkunwari" at "ipokrito/a."

"Ang lilinis n'yo ah? Ano pa gusto n'yo sabihin? 😂"

"Ako naka-swimsuit bold star agad. Tinakpan ko pa nga yung pang-baba ko eh. Ako na nagpa-tattoo dirty na agad. Pati performance ko sasabihan n'yo ng wild? 😂 Apaka galing n'yo manghusga, pero pag sinagot comment n'yo or nainis kami sa mga comment n'yong pulpol, nagagalit kayo. Wag nga kayong mapagkunwari/hypocrite."

"Pero pag ibang bansa nag-perform ng hubot hubad matutuwa pa kayo eh. Hahaha."

"Sige ganito na lang. Pag may scandal, or pag nakahubad at porno hindi lang kamay pumapalakpak sa inyo 'di ba?"

"Wag kayo magmalinis. Wag kayo hugas-kamay."

Ipinaliwanag naman ni Gigi na mababasa sa comment section ng kaniyang Facebook post na hindi siya galit. Gusto lamang niyang sabihin ang kaniyang saloobin dahil sumosobra na ang ilan sa kanilang "pangingialam."

"Hi mga mhieee. Di ako inis or galit hahaha. Hindi kasi lahat puwede nila ganyanin. Lalo na yung hindi kaya ihandle mga ganyan. Baka sila maging cause ng depression ng iba or worst is yung alam n'yo na. I was bullied and hindi na ako papayag na gawin nila sa iba 'yan. Ako mismo ang lalaban."

"Mahal ko kayo mga supporters namin. Kaya salamat. Pero share n'yo 'to. I want to spread awareness lalo na sa mga bullies. Yes need masanay. Pero I will never tolerate such attitude."

Marami naman sa mga tagasuporta at tagahanga ni Gigi ang nagsabing huwag na lamang intindihin ang bashers at magpokus na lamang sa goals.

"Minsan lang nemen mhie hahahahaha pagbigyan. Masyado dumadami katulad nila. Need i-educate," aniya.