Naniniwala si Senador Ronald “Bato’’ dela Rosa na maipapasa ang panukalang batas na Mandatory Reserved Officers Training Course (ROTC) sa mga kolehiyo at mga teknikal at bokasyonal na kurso bago matapos ang taong 2023.

Ayon kay dela Rosa, ang panukalang batas ay magtatatag ng mga lokal at pambansang mekanismo para sa pang-aabuso at hazing sa bansa.

Pagdedebatihan umano sa Senado ang nasabing panukala kapag bumalik na ang regular session sa Mayo 8. Nakahanda na rin daw aprubahan sa Kamara ang kaparehong panukala nito.

Saad ng senador, hindi makapagtatapos ng pag-aaral ang mga hindi makakakumpleto sa pagsasanay ng ROTC.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Hindi naman umano exempted ang mga babae sa saklaw ng Mandatory ROTC.

Binanggit din ni dela Rosa na isang alternatibong programa naman ang iaalok para sa mga taong may kapansanan.

Para naman sa mga out-of-school youth, igigiit daw ng senador ang pagpapatupad ng isang lumang batas na Republic Act 7077 o ang Reservists Act, kasunod ng pag-activate ng ROTC training.

Ang nasabing batas ay nag-uutos umano na dapat sumailalim sa pagsasanay ang lahat ng may lalaking may kapasidad na lumahok dito.

Saad pa ni dela Rosa, nasa ₱5-bilyon ang kakailanganin para sa libreng uniporme at bota para sa ROTC trainees na mga mag-aaral sa publiko at pribadong paaralan.