Usap-usapan ngayon ang tsikang inunfollow na raw ng rumored girlfriend ni Kapamilya star Joshua Garcia na si Bella Racelis ang aktor, ayon sa mapanuring mata ng mga marites na tila "nagbabantay sa pila."

Ayon sa Fashion Pulis, si Bella lamang daw ang nag-unfollow kay Joshua.

Si Joshua, naka-follow pa rin kay Bella.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Screengrab mula sa IG ni Bella Racelis via Fashion Pulis

Screengrab mula sa IG ni Joshua Garcia via Fashion Pulis

Wala pang direktang pag-amin ang dalawa sa kanilang tunay na relasyon pero sa tuwing nakikita silang magkasama at magkahawak pa ng kamay, nagwawala ang mga netizen lalo na ang mga "nasa pila" kay Joshua.

Kaniya-kaniyang espekulasyon ang mga netizen kung bakit may pag-unfollow na naganap.

Isa na rito ang haka-hakang baka nate-turn off na raw si Bella o ang pamilya niya sa "higop scenes" na ginagawa lately ni Joshua, partikular kina Janella Salvador at Jane De Leon sa nagtapos na "Mars Ravelo's Darna The TV Series," at ngayon ay sa "Unbreak my Heart" stars na sina Jodi Sta. Maria at Gabbi Garcia?

Sa galawan ng celebrity couple na nagkakaaway o naghihiwalay, usong-uso ang pag-unfollowan.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang dalawang kampo tungkol sa bagay na ito.